DALAGA MULA PALAWAN, BUTO’T BALAT AT MISTULANG ANAY NA NGINANGATNGAT ANG DINGDING NG KANILANG BAHAY

Babala: Maselan ang paksa at ang larawan sa post na ito.
DALAGA MULA PALAWAN, BUTO’T BALAT AT MISTULANG ANAY NA NGINANGATNGAT ANG DINGDING NG KANILANG BAHAY
“‘Yung anak ko, ngatngat siya nang ngatngat.
Kahit dingding, kahit damit, kahit kumot, kahit kulambo, nginangatngat niya.
Tumutulo ‘yung laway niya
‘Yung mga sahig na ‘yan na tabla, tinutuklap niya ‘yan ‘pag nagwawala siya.
Bilang isang magulang, matiis mo ba ‘yan makita mo ang anak mong ganyan?
Kulang na lang itali mo ang buong katawan para makita mo lang na safe siya.
Humihingi kami ng tulong para tuluyan nang gumaling ‘yung anak ko.”
-Marialyn, nanay ni ‘Aurora’
“Nu’ng hindi pa po ganyan si Ate, naglalaro po kaming dalawa.
Nag-iikut-ikutan, naghahabul-habulan, nagtatagu-taguan.
Nu’ng umpisa ng naging sakit niya, nagbago na po siya.
‘Yung damit niya, pinupunit niya po at kinakain kaya hindi na siya pinapasuotan ni Mama.
Masakit sa akin na hindi na siya nakakapaglaro gaya ng ibang bata.
‘Pag pinapakain ko po siya, sinasabihan ko siya na magpagaling na siya.
Hindi ko na lang po iniisip ang sarili ko.
Ang iniisip ko si ate, kung paano siya gagaling.”
-Ethan, kapatid ni ‘Aurora’