β±ππ π₯ππͺππ₯π π π’π‘ππ¬, ππππππππ¬ π¦π π ππππ£πππ§π¨π§π¨π₯π’ π¦π π¦ππππ₯ππ‘!
March 17, 2025 β Lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Leira Jane Zara upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya para sa kanyang mister na si Wilmer. Nasawi ito matapos barilin sa ulo ng rider na hinabol niya sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong March 14.
Ayon kay Leira, nagmalasakit lang si Wilmer na habulin gamit ang sarili niyang motor ang hindi pa nakikilalang suspek na tumakas nang sitahin ng kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanto ng Soliven Street.

Makikita sa isang CCTV footage ang pagbagsak ni Wilmer sa kalsada. Pero ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson PCPT Febie Madrid, malabo daw ito kaya patuloy silang nakikipagcoordinate sa mga kalapit na mga establisyemento para makakuha ng mas malinaw na footage na makatutulong sa kanilang imbestigasyon.

Lumitaw din daw sa paunang imbestigasyon ng QCPD na bumaba ang suspek sa motorsiklo para barilin si Wilmer, at nagtangka pa itong tangayin ang motor ng biktima na kalaunan ay kanya ring inabandona ilang metro ang layo mula sa crime scene dahil kusang huminto ang motor.

Napagsabihan naman ni Sen. Idol Raffy Tulfo si Madrid nang magdahilan ito na hindi pa nila nae-examine para sa fingerprint test ang motorsiklo dahil maliban sa ito ay nasa Criminal Investigation and Detection Division Office pa raw, naka-gloves daw kasi ang rider β gayong makikita sa larawan na wala namang suot na gloves ang salarin.

Kaya inobliga ni Sen. Idol si Madrid na agad ipa-examine para sa fingerprints ang nasabing motor, na sinang-ayunan naman nito. Sinabihan rin niya si Madrid na bilisan ang kanilang pag-aksyon ukol sa kasong ito.
Sa kabilang banda, nakumpirma ni Sen. Tulfo kay MMDA Director for Traffic Enforcement Group Atty. Victor NuΓ±ez na walang plate number ang motor ng suspek kaya wala pa rin silang leads. Pero sinabi niya na handang magbigay ng pabuya ang MMDA sa makapagtuturo sa salarin.

Sa huli ay nagkasundo si Sen. Raffy at MMDA na magbibigay ng β±1M reward money ββ±500K mula sa sariling bulsa ni Idol at β±500K mula sa ahensya β sa kung sinuman ang makapagbibigay ng verified information sa pagkakakilanlan ng suspek nang sa gayon ay matunton at mapanagot na ito.
***π¨π£πππ§π***
Sa parehong araw ay personal na dumalaw ang RTIA team sa burol ni Wilmer para na rin magpaabot ng pakikiramay sa kanyang pamilya.



