88-ANYOS NA LOLA MULA CEBU, BUWIS-BUHAY NA UMAAKYAT NG BUNDOK PARA MAKAKUHA NG MATERYALES PARA SA IBINEBENTA NIYANG BASKET!
“Ginagawa ko ito kasi mas mabuti na may sarili kaming pambili.
Hindi ‘yung nakadepende kami ng mga nakababata kong kapatid sa iba.
Tuwing umaga, bago ako umalis, nagdadasal na lang ako sa Diyos.
‘Pagalawin Mo ako. ‘Yung mata ko, bigyan Mo sana ng konting ilaw.’
Matanda na kasi ako.


Hindi na ako nakakatayo masyado.
‘Yung bewang at tuhod ko, nananakit na.
Pero kailangan kasi naming mabuhay.
Kaya patuloy ko ‘tong gagawin hangga’t nakakagalaw ako.
Ito kasi ang ipinambuhay ng mga magulang namin sa amin.”
-Owa Minay, 88-anyos
“Sa loob ng higit limang dekada, silang magkakapatid na lang ang naging sandalan nila Owa Minay lalo pa nang mamatay ang kanilang mga magulang at tatlo pang kapatid.


Tatlong beses sa isang linggo, umaakyat ng bundok si Owa Minay para manguha
Materyales niya kasi ‘yun sa paggawa ng basket.
Tapos ibebenta niya.
Para may pera sila pambili ng bigas, tuyo, ginamos.
Nakapaa lang siya kasi madulas ang daan, hirap din siyang maglakad dahil kuba na siya at madali pang hingalin.


Naaawa ako sa kanila kasi sobrang lungkot ng sitwasyon nila.
Hindi na siya dapat naghahanapbuhay dahil sa kanyang edad.”

