25-ANYOS NA LALAKI NA BIBILI LANG SANA NG GATAS NG ANAK, PATAY MATAPOS MABANGGA NG LASING SA PANGASINAN!

25-ANYOS NA LALAKI NA BIBILI LANG SANA NG GATAS NG ANAK, PATAY MATAPOS MABANGGA NG LASING SA PANGASINAN!
Nagluluksa ang pamilya ng 25-anyos na lalaki na nakilalang si Mark Revotoc na namatay sa isang malagim na aksidente sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Nakaburol na ang mga labi ng biktima sa kanilang bahay sa Barangay David, Mangaldan.
Ayon sa report, 5PM nang lumabas ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo para sana bumili ng gatas na iuuwi niya sa kanyang mag-ina na nasa San Carlos City.
Pero habang minamaneho ang motorsiklo, napunta sa linyang dinadaanan niya ang isang motorsiklo kaya nangyari ang salpukan. Nagtamo ng head injury ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ang masaklap, Plano na rin ng biktima na pakasalan ang kanyang girlfriend sa February 14.
Hindi na nakulong ang driver ng nakabanggang motorsiklo matapos maareglo ang kaso. Magbibigay ito ng tulong pinansyal para sa funeral expenses ng biktima. Humingi na rin daw ito ng tawad sa nangyari. ‎