BATA SA LEYTE, UMIYAK MATAPOS DIUMANONG ITABOY NG KANYANG KAPITBAHAY HABANG NAKIKINOOD NG TV?!
“Palagi po akong nakikinood ng TV sa kapitbahay.
Madalas kong pinapanood ‘yung cartoons at mga kotse.
Gustong-gusto ko kasi nu’ng may mga truck at mabilis na sasakyan.
Pati na ‘rin ‘yung action, gusto ko!

Natutuwa rin po ako kapag pinapanood ko ‘yung mga superhero.
Paborito ko rin po ‘yung KMJS!
Nanonood po ako nu’n kaya kilala ko rin po si Ma’am Jessica!”
-Ethan, batang mahilig manood sa TV
“Bata pa lang si Ethan, mahilig na talaga siyang manood ng TV.
Dati, may sarili kaming TV, pero nasira na ‘yun dahil luma na at madalas ginagamit.
Hindi pa namin kayang bumili ng bago kasi maliit lang ang sahod ng Papa niya.

Kaya sa ngayon, tiis muna kami at nakikinood na lang si Ethan sa kapitbahay namin.
Iilan lang kasi sila na may TV dito sa barangay.
Araw-araw, pagkagising ni Athan, nagpapaalam na agad siya para pumunta doon para makinood.
Nagulat ako noong biglang umiyak siya!
Itinaboy raw siya saka isinarado ‘yung pinto habang nakikinood ng TV.

Kaya ‘yung tito niya, ‘di napigilan na mag-post ng video niya sa social media habang umiiyak.”
-Bea, nanay ni Ethan