Morning Mga Friends from Cavite baka May Nakakakilala or nakakakita sa inyo kay Kuya Marvin Campos na Namumulot ng kalakal around Molino Road . sa RFC TO SM MOLINO sya Namumulot ng kalakal
Kumakain ako kanina sa Karinderya tapos Nakita ko syang nagkakalkal ng Basura para kunin yong mga Pwedeng mabenta na Kalakal like Plastic Bottles etch.
then nakita nya ako na kumakain lumapit sya para humingi ng pagkain at hindi pera ang hiningi nya . kaya sabi ko if gusto nya kumain kuhaan ko sya sa Karinderya na kinakainan ko . sabi ko sa kanya
“tara kuya at pili ka ng gusto mo kainin” then napansin ko na pagkakuha nya ng pagkain sa kabilang table sya uupo kaya sabi ko don tau sa table ko kuya para may kasabay ako kumain .

nakaka dalawang subo palang sya ay pumatak luha nya
at medyo nanginginig kaya nag ask ako sa knya kung okay lang sya . he just answered me na “ Kahapon pa po kasi ng tanghali last kain ko sir “

edi ako pinipigilan kong di pumatak yong namumuo kong luha

kaya tinanong ko na name nya at taga saan talaga sya .bkit sya nandito sa manila.
Marvin Campos , 32 Y/O from San Antonio Zambales
Isinama ng kaibigan para mghanap ng work dito sa Manila pero yong kaibigan Nya lang nakahanap ng work tapos pinabayaan na sya iniwan lang daw sya sa gilid ng Sm Molino
Kuya Marvin Also said na lumuwas sya kasi Mahirap daw ang buhay don sa San Antonio pero di nya daw mawari na mas mHirap pala dito sa Manila . nag tatry daw aya pumasok sa mga construction Pero di sya tinananggap kasi kung ano anong hinihingi na requirements like mga gamit pang constructions .

reason para mauwi sya sa pangangalakal pero di naman ganon kalaki ang nakukuha nyang pera para pangkain everyday . nag sasave daw sya pakonte konte para makaipon pamasahe pero nagagamit nya din kapag kumakalam ang sikmura nya 


kaya sabi ko bibigyan kita ng pera pang kain at pamasahe pauwi sa inyo sa Zambales . di pa ako tapos magsalita humawak sya sa kamay ko at nagpasalamat while umiiyak ramdam ko din yong panginginig ng kamay nya . Sabay sabi nya
“subrang hirap po talaga akong makaipon sir kaya pasensya na po kung na abala kita sir .hirap pong matulog sa kalsada lalo pag umuulan “
Totoo man oh hindi yong mga Sinasabi nya well i dont judge him . pero Ramdam ko na totoo lahat ng sinabi nya sakin 

kung makita nyo man sya Sana bigyan nyo kahit Pagkain at Tubig .
Ingat Paguwi Kuya Marvin

and Dont Trust most of your Friends kasi minsan sila pag yong magpapahamak sayo at magdadala sayo sa Mas mahirap na Situation.
I’m not Posting this for clout.
Pinost ko to para Just incase may makakita sa Kanya sa daan may mag offer sa kanya ng kahit anong tulong .