Ang dami kaseng may pneumonia na naman

‼️
Long Post‼️
It takes time bago ko nashare kase until now hindi parin ako makapaniwala 😭
Ang dami kaseng may pneumonia na naman 😔Isa din nag udyok sakin para ibahagi ang aming experience to everyone for awareness lalong lalo na sa mga parents.
Cause of Death — Pneumonia pediatric acute respiratory distress syndrome (PARDS)
PAANO NAG UMPISA
2 months nagstay sa province ang anak with his Lola for vacation.
First of all I won’t deny na mahina immune system niya. Lumuwas sila ng Manila ang anak ko may ubo na at hindi ko alam kung ilang days na, nalaman ko nalang nung sinundo na namin sila sa airport. Akala ko noong una normal lang na ubo so binilhan lang namin ng gamot sa boteka (home remedies)
After 5 days we’ve noticed na naging worse ang ubo nya. Yung Lola nya at asawa ko nag decide na dalhin na sa hospital for check up since nasa work ako.
* While checking my son’s vital*
Dra: “May naninigarilyo po ba sa bahay nyo?”. “Ilang days na ba ang ubo ni baby?” Hindi nyo agad pinacheck up? Hindi ba kayo naawa sa anak nyo?”
Iilan yan sa mga sinabi sakin, sa totoo lang sobrang hirap ipagtanggol sarili ko that time kase alam natin na Dra. kausap ko samantala ako Nanay lang na nag early out pa from shift then deretso hospital aligaga pa dahil hindi pinayagan mag early out 😥
Speechless lang ako, umiiyak habang pinagmamasdan ang anak ko at sinisisi ng doctor, ang sakit sa part ko na hindi ko naman ginusto pero sa AKIN lahat ng sisi 🥺
Me: Opo.
Dra: Yun ang pinaka unang dahilan bakit nagkaroon ng plema ang baga ng bata. Ang 2nd hand smoke galing sa mga taong mahilig mag yoyosi ay mas matindi pa ang sasapatin ng nakakalanghap nito kesa sa naninigarilyo. Dahil ang usok ay may nicotine at iba pang chemicals na maaring makakasira sa kalusugan ng tao (given na mahina immune system)? Pag once maka langhap ang bata ng usok ng sigarilyo ay unti unti nitong sinisira ang baga habang binabalot ito ng nicotine dahilan ng mabilis na pagdikit ng ibat ibang uri ng bacteria at plema kasi habang sinisira ng nicotine ang lungs o baga ay mawalan ng kakayahang lumaban ang lungs na i release ang madikit na bacteria sa kanya hanggang sa dumarami ito. Isa itong sanhi kong bakit mahihirapan ang batang huminga dahil ang daanan ng hangin halos matatakpan ng plema.
Higit sa lahat mas prone ang bata sa pneumonia lalo na di sila marunong lumungad ng plema, kung hahayaan ito maaaring magiging cause of death.
Note ang pneumonia di lang dahilan ng sigarilyo, pwede din sa formula dapat laging elevated si baby kapag nagpapadede kase yung gatas pwedeng pumasok sa baga ayon kay Pedia.
Malaki rin ang percentage sa laging matuyuan ng pawis ang likod. Delikado rin yun.
Symptoms na may pneumonia na ang baby —
1) UBO (kahit di gaano lagi inuubo si baby)
2) HIRAP HUMINGA (mabilis ang paghinga na parang naghahabol dahil yan sa pagbara sa daluyan ng hangit dulot ng plema kahit wala syang sipon at tingnan ang tummy ni baby dun malalaman kung mabilis ba syang huminga)
May be an image of 2 people, hospital and text that says '- Doctor octor) N0923 I'
3) HALAK SA 🫁 (try nyo pakinggan ang dibdib o likod ni baby kong may halak. Lalo na pag matulog akala natin hilik is plema na pala. Pag normal na halak sa bandang lalamunan niyo lang madinig pag may pneumonia na every hinga ni baby is parang may tunog na)
May be an image of 3 people, hospital and text
4) WALANG GANA KUMAIN – Nawawalan gana kumain ang baby dahil nahihirapan sila huminga.
5) Seek medical advice immediately if more than 5 days na ang ubo ni baby.
PS: Sa lahat ng mga naninigarilyo please keep distance from children! Mga mommy ingatan nyo mga baby nyo, nasa ating mga kamay ang kanilang kaligtasan at buhay.
May be an image of 1 person, smiling and hospital
Pag baby ang usapan wag agad maniwala sa mga sabi sabi o home remedies lang, like pagpapainom ng herbal, di po natin alam ang dosage ng gamot na pinapainom natin sa kanila at dosage na kaya lang ng katawan ng bata, kaya dapat maging aware tayo jan, kase nga nanay tayo at di doctor.
REMEMBER: Ang pera makikita din yan pero ang buhay walang rewind.
May be an image of 1 person, hospital and text
May be an image of hospital
May be an image of lighting
May be an image of hospital and text
May be an image of 1 person, hospital and text