Binawian ng buhay ang isang 73 anyos na street sweeper matapos na mabangga ito ng isang motorsiklo

“𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗣𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗥𝗔𝗪𝗜𝗦, 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗭𝗣𝗜 𝗖𝗜𝗧𝗬”
Binawian ng buhay ang isang 73 anyos na street sweeper matapos na mabangga ito ng isang motorsiklo sa kahabaan ng maharlika highway ng Barangay Rawis, Legazpi City kaninang 1:40 ng umaga, Marso 8, 2025.
Ayon sa ulat na pinadala ng Legazpi City Police Station, nawawalis umano ang biktima na kinilalang si lolo Francisco sa nasabing oras ng mangyari ang insidente.
Lumalabas na isang 27 anyos na motorista mula Brgy. Bonot Legazpi City ang nakabundol sa biktima.
Ang biktima at driver ay dinala sa BRHMC subalit binawian ng buhbay ang biktima.
Sa ngayon nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
PAALALA: Dahan-dahan lamang sa pagmamaneho mga kabrigada para iwas sa aksidente.