Hindi ko mapigilan ang luha ko nung napanuod ko itong dalawang matanda na pinabayaan ng mga anak na nasa Japan at Maynila na tumira sa isang maliit na kubo sa tabi ng kalsada..
“Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila. Bakit naman nila kami ginaganito. Ni hindi nila kami pinapadalhan…”

“Kahit sulat lang… kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat lang o kahit sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami…”

“Hindi na nila kami naaalala,” sabi dito ni lola habang tumutulo ang luha.. 

Maikli lang ang buhay natin.. mahalin natin ang mga magulang natin habang buhay sila…

Kahit hindi sa paraan ng pagbigay ng pera pero yung alam nilang mahal natin sila at di natin nakakalimutan lumingon sa pinanggalingan natin, masaya na sila doon
hindi yung kung kailan wala na sila doon tayo magsisisi… 


