DAPAT INALAGAAN NA NG ANAK ITO

87 YEARS OLD NA LOLO, NAKATULOG NA LANG HABANG NAGTITINDA NG ICE CREAM!
Dahil sa tumal ng tindang Ice Cream (Ice Drop) ni Lolo Jose ay nakatulog na lamang ito habang nakaupo. Ayon sa uploader na bumili ng Ice Cream nagsisimulang pumwesto dito si Lolo Jose ng bandang 11 ng umaga, pero bandang 4pm na ay halos puno pa din ang lalagyanan nito ng Ice cream at tila ba wala pang nabebenta si Lolo. Gusto mang pakyawin ng uploader ang lahat ng Ice cream para makauwi na si Lolo at makapagpahinga na ngunit sya rin ay kapos din sa pera.
Kaya nananawagan sya sa pamamagitan ng post na ito sana ay matulungan natin si Lolo Jose. Dito sya madalas pumwesto sa Pardo Public Market sa Cebu City.
