FATHER’S LOVE

FATHER’S LOVE❤️

Kanina habang nasa byahe papunta kami ng GMA may sumakay na dalawang lalaki sa jeep. Yung isa na may edad na ay tumabi sa akin at yung bata ay sa kabilang upuan umupo dahil hindi na sila magkakasya kung magkatabi pa sila, may dalang basket na may mga plastik yung bata na halata namang galing sila sa paglalako ng kanilang paninda. Habang dumudukot ng pera si tatay sa bulsa nya para sa pamasahe nila, kita ko yung pagod sa kanyang mga mata. Yung anak nya nag lagay ng panyo sa mata na wari bang iidlip muna sa byahe upang makapagpahinga. Nang magbabaan na ang ibang pasahero sa jeep naramdaman kong lumipat si tatay sa tabi ng bata na agad na nakapukaw sa atensyon ko, unti unti ay nakita kong pinadantay ni tatay ang bata sa kanyang dibdib na para bang nais sabihin na “Anak alam ko pagod ka, magpahinga ka muna” Hindi ko alam pero habang tinititigan ko sila pareho ay naluluha ako at agad kong kinunan ng litrato. Habang nasa byahe ay tingin ako ng tingin sa mag ama at pinipigilan ko ang aking mga paghikbi dahil naalala ko ang aking ama. Kung may isang bagay man akong natutunan sa kanila yun ay; hindi man kayang ibigay ng ating mga magulang ang lahat ng ating pangagailangan, pero ang kanilang pag mamahal ay hindi kayang pantayan nino man.

Ps: sorry kila tatay sa pagkuha ng video, gusto ko lang ishare ito sa iba upang maalala nila ang pagmamahal ng isang magulang.