‘SORRY SA NANGYARI, PINAPANGAKO KO SA’YO NA HINDI NA MAUULIT ‘TO.’
Jam Ignacio, humingi ng sorry sa fiancee na si Jellie Aw!
Hinarap na ni Jam Ignacio ang isyu patungko sa umano’y panan*kit niya sa fiancee na si Jellie Aw. Sa kanyang pahayag sa GMA News, inamin niya ang kanyang pagkakamali at humingi siya ng tawad kay Jellie. Aniya ay sana mabigyan ng pagkakataon na maayos nilang pareho ng pribado ang kanilang problema dahil alam daw niyang mahal pa rin nila ang isa’t-isa.
“Hon, alam mo kung gaano kita kamahal, alam mo yan kung gaano kita protektahan, bantayan. Sa lahat ng ginagawa mo lagi akong nakasuporta sayo. Sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay, nakasuporta ako palagi sayo.
Sorry sa mga nangyari, pinapangako ko sayo na hindi na mauulit to. And sana bigyan mo ko ng pagkakataon na ayusin natin ‘tong pareho ng pribado na sa ating dalawa.
Alam ko naman na mahal natin ang isa’t isa. Madami tayong gustong gawin,
pangarap, na sana maayos natin at matupad natin. Yun lang naman sana… Mahal na mahal kita.”
Courtesy: GMA News (FB)
Jam Ignacio tinawag na simpleng hindi pagkakaunawaan ang nangyari sa kanila ng DJ na si Jellie Aw.
“Sana ayusin natin ‘to, sorry sa lahat. Hindi na mauulit, pangako ko ‘yan sayo”