80-ANYOS NA LOLO, INARESTO DAHIL UMANO SA REKLAMONG PAGNANAKAW NG MANGGANG SIYA ANG NAGTANIM
Laman ng social media ngayon ang balita tungkol sa isang nakakaawang matanda na hinuli at ikinulong matapos itong kasuhan dahil sa pagnanakaw umano ng Mangga na tinatayang hindi pa aabot sa sampung kilo.
Halos maluha-luha ang 80-taong gulang na kinikilalang si Lolo Narding Floro mula Asingan, Pangasinan habang kinakausap ng mga awtoridad.
Paliwanag ni Lolo Narding sa Asingan Police Station, pinapapapitas niya ang bunga ng isang puno ng Mangga na siya rin naman umano ang nagtanim ngunit nang sinakop at binakuran na ng may-ari ng lupa kugn saan itong nakatayo naging dahilan ito ng kanilang pagreklamo laban sa kanya.
“Pinapitas ko yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun,” saad niya.
Dahil sa kanyang katandaan, nais niya nalang umano pag-usapan at makipagsundo sa nagreklamo at babayaran nalang niya ngunit hindi raw ito tinanggap bagkus ay kinasuhan siya at pinagbabayad ng anim na libo.
“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo”
Ayon sa post ng PIO-Asingan, gusto na umanong makauwi ni Lolo Narding sa kanilang bahay. Halos mag-iisang linggo na itong nasa kustodiya ng Asingan PNP dahil sa kasong inihain laban sa kanya.
Inaresto si Lolo Narding dahil sa bisa ng w@rrant of @rrest na inilabas ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) Asingan-San Manuel, noong December 20, 2021.
Ang korte ay may inilaang piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sinikap rin umano ng mga Police Asingan Station na matulungan nila ang matanda, kaya nag ambag-ambag sila upang makalikom ng kailangang pera pang piyansa nito.
Ngunit dahil sa kasalukuyang paghihigpit ng maraming lugar, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, nasa pangangalaga at kustodiya ng Asingan Police si Lolo Narding.

80-YEAR-OLD GRANDFATHER ARRESTED BECAUSE HE PLANTED MANGO THEFTINGSocial media now covered the news of a poor old man who was caught and jailed after being charged for allegedly stealing Mangoes estimated to be less than ten kilos.The 80-year-old identifying Lolo Narding Floro from Asingan, Pangasinan was almost teary-eyed while talking to the authorities.Grandpa Narding’s explanation to Asingan Police Station, he was picking the fruit of a mango tree that he also planted but when the owner of the land occupied and fenced it where it was standing, it became the reason for their complaint against him.“I picked a mango tree less than 10 kilos, what I know is that we are covered. When they paved the yard, they conquered it but I planted it,” he promised.Because of his old age, he wanted to talk and reconcile with the complainant and he would just pay but it was not accepted instead he was sued and paid six thousand.“What I wanted to do is to pick up, it’s just a small thing, when I gave the payment they didn’t want to accept it, they said I’ll pay six thousand”According to the post of PIO-Asingan, Grandpa Narding allegedly wants to go home in their house. He has been in the custody of the Asingan PNP for almost a week because of the case filed against him.Lolo Narding was arrested due to the validity of the warrant of @rrest issued by the 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) Asingan-San Manuel, on December 20, 2021.The court has set bail in the amount of P6,000 for his temporary liberty.The Police Asingan Station also allegedly tried their best to help the elderly, so they contributed to raise the necessary money for his bail.But due to the current restrictions on many areas, his release paper has not been signed yet. As of now, Grandpa Narding is in the care and custody of the Asingan Police.