8 PULIS NA GALING SA TRAINING, PATAY SA AKSIDENTE!
Nauwi sa malagim na trahedya ang biyahe ng walong pulis na galing sa training matapos silang masawi sa banggaan ng dalawang van at isang truck.

Sakay ang mga biktima ng dalawang van at pauwi na sana.
Nagtangka umano ang dalawang van na mag-overtake sa isang trak sa kalagitnaan ng byahe, ngunit pumutok ang gulong sa unahang bahagi ng truck kaya nagkaroon ng karambola.

Sugatan naman ang 23 na iba pa, Dalawampu sa kanila ay kabaro ng mga nasawing pulis, habang tatlo ay mga sibilyan. Sugatan din ang driver ng truck. Nangyari ito sa Misamis Oriental.
