4-ANYOS NA BATANG MAY RARE KIDNEY DISORDER, MAHIGIT 1 MILYONG PISO NA ANG HOSPITAL BILL SA LOOB NG ISANG BUWAN

Ospital naman ang nagsilbing pangalawang tahanan ng apat na taong gulang na si Carl Cajayon. Na-diagnose siyang may infantile nephrotic syndrome, isang rare kidney disorder. Dahil sa kanyang kondisyon, kinakailangan niya ring sumailalim sa dialysis session tatlong beses sa isang linggo. Isa siya sa itinuturing na pinakabatang dialysis patient ngayon sa bansa.

Ang problema, umabot na sa mahigit isang milyong piso ang kanilang hospital bill sa loob ng isang buwan kaya pahirapan kung paano ito mababayaran.

Sa survey ng Social Weather Stations o SWS, kabilang ang pagpapalakas sa health care system ng bansa sa mga isyung kinukonsidera ng mga botante para sa kanilang pagboto sa darating na Eleksyon 2025.

ANG TANONG, PAANO NGA BA ITO SOSOLUSYUNAN NG MGA SUSUNOD NA UUPO SA PUWESTO?