3 HVI Tiklo sa Magkakahiwalay na Drug-Bust ng Cavite Pulis, Higit P1.7 Milyon Halaga ng Shabu Nasamsam

Press Release No. 67-25
April 25, 2025 (Friday)
3 HVI Tiklo sa Magkakahiwalay na Drug-Bust ng Cavite Pulis, Higit P1.7 Milyon Halaga ng

Shabu Nasamsam

Camp BGen Vicente P. Lim – Nahuli ng Drug Enforcement Units ng Cavite Police Provincial Office ang 3 High-Value Individuals (HVI) at nasamsam ang PhP 1,768,136.00 na halaga ng shabu sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations noong Abril 24, 2025, sa Bacoor City at Tanza, Cavite.
Ang unang operasyon ay naganap bandang 8:45 PM sa Brgy. Zapote 1, Bacoor City, kung saan ang Drug Enforcement Unit ng Bacoor Component City Police Station ay nagsagawa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek na nakilalang alias “Alison.”
Sa nasabing operasyon, nasamsam ng mga awtoridad ang isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na PhP 680,000.00, kasama ang 3 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP 544,000.00, isang belt bag, at buy-bust money.
Samntala, 10:15 PM ng parehong araw, ang Drug Enforcement Team ng Tanza Municipal Police Station ay nagsagawa ng isang hiwalay na buy-bust operation sa Brgy. Bucal, Tanza, Cavite, na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng dalawang High-Value Individuals, na kinilalang alias “Cairoding” at alias “Omma.”
Sa nasabing operasyon, nakuha mula sa mga suspek ang 3 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng kabuuang 80.02 gramo ng hinihinalang shabu, na may standard drug price na PhP 544,136.00 at buy-bust money.
Ang mga operasyon ay naitala gamit ang mga alternative recording devices alinsunod sa mga itinatakdang protocol at pamamaraan.
“Ang mga operasyong ito ay nagpapakita na seryoso ang ating mga kapulisan sa ating kampanya kontra ilegal na droga. Asahan ng ating mga kababayan na hindi kailanman titigil ang ating mga kapulisan nagawin ang aming mandato upang mapapanagot sila sa ating batas at masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan at mga komunidad,” sabi ni PBGen Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON.
Ang lahat ng mga naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa mga kasong paglabag sa mga Seksyon 5, 11, at 26, Artikulo II ng Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”