19-ANYOS AT 67-ANYOS NA NAG-IIBIGAN, PATUNAY RAW NA ‘AGE IS JUST A NUMBER’!


May ilang tumaas ang kilay sa pag-iibigang ito pero para kina Apyot (67-anyos) at Maejane (19-anyos), totoong pag-ibig ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa.
Bago raw nakilala ni Maejane si Apyot, tanging ang kanyang 75-anyos na lola ang umaaruga sa kanya. Kaya laking pasasalamat daw ni Maejane nang dumating si Apyot sa kanyang buhay.
Samantala, late bloomer maituturing si Apyot pagdating sa pag-ibig. Pero single at ready to mingle na raw siya nang makilala si Maejane.

