16-ANYOS NA ESTUDYANTE SA PANGASINAN, NABULAG MATAPOS BATUHIN NG BOTE SA DAAN NG MGA TAMBAY!

Nakatakdang operahan para tanggalin na ang isang mata ng 16-anyos na estudyante na si Justine Ong mula Urdaneta City, Pangasinan.
Nagtamo ng grabeng pinsala ang mata ni Justine matapos siyang batuhin ng bote ng isang grupo ng tambay.

Ayon sa report, November 26 nang magpaalam si Justine na dadalo sa isang birthday. Angkas siya ng isang motorsiklo.

Madaling araw nitong November 27, habang pauwi na, bigla silang pinagbabato ng mga bote ng mga nangti-trip na tambay sa daan. Napagkamalan daw na si Justine ang kaaway nila.

Labis ang panghihinayang ng pamilya lalot nabulag ang isang mata ni Justine. Nais nilang makulong ang mga gumawa nito sa kanya.