13-ANYOS NA BABAE NA INIULAT NA NAWAWALA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG ALTAR SA LEYTE

[𝗧π—₯π—œπ—šπ—šπ—˜π—₯ π—ͺ𝗔π—₯π—‘π—œπ—‘π—š: π—¦π—˜π—‘π—¦π—œπ—§π—œπ—©π—˜ π—–π—’π—‘π—§π—˜π—‘π—§]
13-ANYOS NA BABAE NA INIULAT NA NAWAWALA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG ALTAR SA LEYTE
Bangkay na nang matagpuan ang isang 13-anyos na babae sa ilalim ng altar ng isang kapilya sa Baybay City, Leyte.
Ayon sa report, iniulat na nawawala ang biktima noong Linggo at nito lang Lunes ay natagpuan na lamang ito na duguan at hubo’t hubad sa naturang lugar.
Ang biktima ay isang Grade 7 student sa Baybay City National High School at miyembro ng isang religious youth organization.
Nakitaan naman ng mga sugat sa mukha, tiyan, at pribadong bahagi ng katawan ang biktima.
Sinasabing ang biktimang 13-anyos ay umano’y nobya ng suspek at nais nang makipaghiwalay dahilan na sinakal siya ng suspek.
Sinubukan din umanong patigilin ng biktima ang suspek sa bisyo nitong paggamit ng ilegal na droga, ayon sa awtoridad.
Agad namang naaresto ang suspek na isang 37-anyos na residente sa lugar sa isang follow-up operation.
Sinilbihan din siya ng arrest warrant sa hiwalay na kasong attempted rape noong 2022.
Gayundin, nakulong din umano ang suspek ng 7-taon sa Cebu dahil sa ilegal na droga.
Samantala, nakatakdang iturn-over ang suspek sa Baybay City Police Station sa Leyte upang kaharapin ang kaso dahil sa ginawang krimen.
via GMA News/DYHP RMN CEBU
✍ SAM ZAULDA
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
D3BIO, DTX500, MIGHTY CEE, DTX COFFEE MIX
πŸ‘‰
Mabibili sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building OsmeΓ±a Ave., Kalibo, Aklan.
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
MAKINIG SA KAMPEON NA ISTASYON SA KALIBO, ANG K5 NEWS FM 94.5
BANDERA NOON, K5 NEWS FM NA NGAYON!