13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Patay na nang matagpuan ang 13 taong gulang na babae na hinihinalang ginahasa sa loob mismo ng simbahan sa Baybay City, Leyte, kamakailan.

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Ayon sa mga ulat, sa ilalim mismo ng altar narekober ang bangkay ng Grade 7 na biktima matapos iulat ng kaniyang pamilya na hindi na umano ito nakauwi sa kanila.

Batay umano sa salaysay ng ilang kapitbahay ng pamilya ng biktima, sa may kapilya nila huling nakita ang dalagita bago ito mawala.

“Pagbukas sa chapel, biglang may umamoy, may umalingasaw kaya, na-trace nila kung saan galing yung amoy. Doon nakita yung patay na katawan sa ilalim ng altar,” ani P/Lt.Col. Nerro Hobrero.

 

Probinsya
13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

 

Posible raw sinakal muna ang biktima at saka pinagsamantalahan ng umano’y mismong caretaker ng simbahan.

Samantala, nasakote naman ng pulisya ang 37-anyos na suspek matapos silang magkasa ng hot pursuit operation.

“The Baybay City Police Station (CPS), under the leadership of PLTCOL NERRO M HOBRERO, Chief of Police, in collaborative efforts with the Mondragon Municipal Police Station successfully apprehended a suspect in the recent rape-homicide case involving a minor,” anang Baybay City Police Station (CPS).

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na agad din umanong umamin sa ginawang krimen matapos masabat sa kaniya ang cellphone ng biktima.

Inirerekomendang balita

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Sen. Bato, 'di raw papahuli sa ICC: 'Hindi ako lalabas sa aking comfort zone!'

Sen. Bato, ‘di raw papahuli sa ICC: ‘Hindi ako lalabas sa aking comfort zone!’

'Pinas, 'di makararanas ng 'dangerous' heat index sa Linggo – PAGASA

‘Pinas, ‘di makararanas ng ‘dangerous’ heat index sa Linggo – PAGASA