11-ANYOS NA BATA MULA DANAO CITY, CEBU NANGISAY DAHIL UMANO SA LABIS NA PAGGAMIT NG… CELLPHONE?

11-ANYOS NA BATA MULA DANAO CITY, CEBU NANGISAY DAHIL UMANO SA LABIS NA PAGGAMIT NG… CELLPHONE?
May be an image of 2 people and text
NASOSOBRAHAN DIN BA SA PAGGAMIT NG GADGETS ANG INYONG MGA ANAK?
“Galing akong simbahan nu’ng araw na ‘yun.
‘Yung apo ko, naglalaro lang ng cellphone.
Tapos habang nakikipag-usap ako sa kapitbahay, napansin ko na lang na biglang tumirik ‘yung mata ng apo ko!
May be an image of 3 people and text that says 'nangisay dahı umano sa labis na paggamit ng cellphone? รชญ ISDON'
‘Yung kamay niya, nanigas!
Pati ‘yung bibig at dila niya!
Sinubukan naming pisilin ‘yung kamay niya, pero sobrang tigas talaga!
Kahit anong ginagawa ko para maayos ‘yung kamay niya, sobrang tigas pa rin.
Sobrang kinabahan ako!”
May be an image of 3 people and text
-Rosita, lola ng bata
“Baka dahil po sa sobrang pagse-cellphone kaya siya nagka-ganoon.
Sa isang araw kasi, nasa anim na oras siyang nagse-cellphone, laging nagmo-mobile games.
May be an image of 2 people, phone and text that says 'nangisay dahil umano sa labis na paggamit ng cellphone? Dong! 'Yung mata, Dong!'
Minsan, makikita ko na buong araw niya talagang hawak.
Tapos tuwing pagkatapos niyang maglaro, sasabihin niya, ‘’Yung ulo at mata ko, Ma, masakit.”
Kaya minsan kinukuha na namin sa kanya ‘yung cellphone.
Nu’ng nangyari ‘yun, nagpatawag kami agad ng ambulansya.
Baka kasi kung anong mangyari!”
-Jeylonie, ina ng bata ‎