10 years old na batang babae natagpuang patay at walang damit pang ibaba sa isang masukal na lugar sa Camarines Sur

10 years old na batang babae natagpuang patay at walang damit pang ibaba sa isang masukal na lugar sa Camarines Sur
Natagpuang patay ang isang batang babae sa isang masukal na lugar sa Brgy Tanawan Camarines Sur na nauna ng naiulat ng kanyang lola na nawawala nuong March 15.
Ang batang biktima ay madalas na sumasama sa kanyang lola para magtinda ng mga gulay sa palengke tuwing Sabado at Linggo.
Sa pamamagitan ng kuha ng isang cctv, nakilala ang suspek na isang 19 year old na madalas hinahire ng lola para maghatid ng kanilang paninda sa palengke.
Inamin ng suspek ang krimen at ito din ang nagturo sa kinaroonan ng biktima. Pinukpok niya umano ito sa ulo ng maraming beses na siyang dahilan ng pagkasawi ng bata.
Courtesy: Gma News