ππ’π’π: π πππ¦ππ¦ππππ‘π ππ π π‘π πππ‘ππ π‘πππππππ’ π¦π ππ₯πππ¨ππ§ππ’π‘ π‘π ππ‘ππ, π¦ππ‘ππππ§ππ‘ π‘π π πππππ¬π π‘π πππ‘π¬ππ‘π ππ‘ππ π¦π πππ§π‘π π‘π πππ‘π¬ππ‘π π£ππ-πππ₯ππ₯π’.
βFirst time ko pong makatanggap ng medal.
Malaking bagay po para sa akin, kasi hindi po naman kasi talaga ako katalinuhan.
Kaya pinuntahan ko si Tatay sa bukid para isabit βyung medalya.

Sabi niya sa akin noon, βBaβt ka pa pumunta dito? Madudumihan ka lang.β
Naka-white na long sleeves po kasi ako nuβn.
Sabi niya, ββWag mong ilagay sa akin βyung medal kasi magkakadumi.β
βTatay, okay lang βyan. Para naman saβyo eh.β
Hindi po kasi siya naka-attend ng graduation.

Masakit po pero naiintindihan ko naman po βyung sakripisyo niya.
Nagsikap po ako mag-aral kasi gusto ko siyang matulungan habang nandiyan pa siya.
Ayaw ko po kasing magsisi sa bandang huli na iiyak ako dahil hindi ako nakapagpasalamat sa kanya habang nandito pa siya sa tabi ko.β

-John Carlo
βHindi ako pumunta ng graduation niya nuβn kasi mabubulok βyung mga palay kung hindi itatanim.
Pasensiya na, Nak, kasi walang ibang magtatrabaho, si Tatay mo lang.
Hindi ko hahayaan na hindi siya makapagtapos tulad sa akin at maranasan ang paghihirap na pinagdaanan ko.
Gusto ko siyang makapagtapos.β
-Antonio
