π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—₯π—”π—£π—˜ π—ͺπ—œπ—§π—› π—›π—’π— π—œπ—–π—œπ——π—˜, π—œπ—¦π—”π—¦π—”π— π—£π—” π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—›π—”π—¦π—” 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—£π—”π—§π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—£π—œ, 𝗖𝗔𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—˜π—¦ 𝗦𝗨π—₯

π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—₯π—”π—£π—˜ π—ͺπ—œπ—§π—› π—›π—’π— π—œπ—–π—œπ——π—˜, π—œπ—¦π—”π—¦π—”π— π—£π—” π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—›π—”π—¦π—” 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—£π—”π—§π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—£π—œ, 𝗖𝗔𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—˜π—¦ 𝗦𝗨π—₯
Sinampahan na ng kasong rape with homicide sa Provincial Prosecutor’s Office ang 19-taong-gulang na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang batang grade 2 student na natagpuang patay sa Zone 3, Brgy. Tanawan, Lupi, Camarines Sur noong Marso 15, 2025.
Ayon kay Nancy Joven, lola ng biktima, kakilala niya ang suspek dahil ito ang naghahatid ng kanyang mga pinamiling paninda. Noong araw ng insidente, pinakiusapan umano siya ng suspek na payagang samahan siya ng kanyang apo upang tumulong sa paghila ng trolley machine. Hindi niya ito pinayagan, ngunit hindi niya namalayan na nakaalis na ang bata habang abala siya sa pagtitinda.
Dakong 5:17 PM, nagpasya siyang mag-ulat sa barangay matapos mapansing hindi pa nakakauwi ang kanyang apo. Agad namang inatasan ni Barangay Captain Noviden Alforte ang paghahanap sa bata at pinarebyu ang CCTV footage ng barangay. Sa footage, nakita ang biktima na huling nakitang buhay na kasama ang suspek na kinilalang si Wilbert Ano Vegino, isang trolley driver at residente ng Binahan Upper, Ragay, Camarines Sur.
Sa patuloy na paghahanap, nakasalubong ni Joven ang suspek at tinanong ito kung nasaan ang kanyang apo, ngunit itinanggi nito ang anumang nalalaman. Nang mahuli ng mga pulis, inamin ni Vegino ang kanyang krimen at itinuro ang kinaroroonan ng bangkay ng bata.
Tumanggi ang suspek na magbigay ng pahayag sa media ukol sa detalye ng krimen ngunit humingi siya ng paumanhin sa pamilya ng biktima. Aniya, hindi siya naka-inom o nakagamit ng ilegal na droga nang mangyari ang insidente.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima dulot ng paulit-ulit na paghampas ng bato. Natagpuan din ang kanyang katawan na wala nang suot na pang-ibaba.